MI ULTIMO ADIOS
"Masayang sa iyo'y aking idudulot
ang lanta kong buhay na lubhang malungkot;
maging maringal man at labis alindog
sa kagalingan mo ay aking ding handog".
ang lanta kong buhay na lubhang malungkot;
maging maringal man at labis alindog
sa kagalingan mo ay aking ding handog".
Ang mga huling kataga sa Huling Paalam ni Jose Rizal sa kanyang pamilya at bayan, ang pinaka tumatak sa aking kamalayan. Bagamat sa madilim at malungkot na resulta na kanyang karanasan, at sa harap ng bingit ng kamatayan, patuloy na tinitignan ni Rizal ang kanyang maaari pang maihandog o maidudulot sa bayan. Isang aral ng pagiging tunay na patriyarka para sa ating bansa ang kanyang ipinakita.
Ipinakita sa pelikula ang lahat ng kanyang mga naging sakripisyo para sa bayan. Ang pagkawalay sa kanyang pamilya upang magtungo sa Europa, ang pagkawalay kay Maria Leonor Rivera, ang kanyang tunay na iniibig, at ang kanyang mismong buhay na laging may naka ambang na panganib na tuluyang nagdulot sa kanyang kamatayan. Ang lahat ng ito ay hinarap niya para sa kanyang pagmamahal sa bansang Filipinas.
Isang katangian ni Gat Rizal na aking hinangaan matapos matunghayan sa pagsasadula ng kanyang buhay, ay ang tunay at masidhing pagmamahal niya sa bayan, gagawin ang lahat mahamak man. Ito ang aking babaunin sa aking paglalakbay bilang isa ring Filipino.
Aking ipapamalas ang pagmamahal sa bayan sa paraang aking kayang magawa, bagamat hindi na tayo sakop ng mga banyaga. Tulad ng ating pambansang bayani na tinaya ang lahat, iaalay ko rin ang lahat ng aking kakayahan, aking maaring maibahagi sa bayan.